<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/14507515?origin\x3dhttp://fullmomentum.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
Y .Saturday, January 28, 2006.

Isang Pag-uusap

1: Ang ganda talaga ni Teresa...
2: Lam mo, kung tititigan mo lang siya, walang mangyayari.
1: Bakit, ano ba dapat gawin ko?
2: Sabihin mo sa kanya!
1: Hindi ko naman siya gusto eh, sinabi ko lang maganda siya...
2: Hay ewan ko sayo... Tara na nga...

1: Lam mo bang may nagugustuhan ako sa section niyo?
2: Sabi na gusto mo si Teresa eh! Uuuy... hehehe...
1: Di si Teresa no!
2: Eh sino?
1: Secret!
2: Daya mo, sasabihin mong may crush ka sa klase namin tapos di mo naman itutuloy yung kwento mo... dali na sabihin mo na!
2: Teka, hulaan ko na lang kung sino... describe mo siya.
1: Lagi ko siya kausap. Halos lahat magkasundo kami. Pareho kami ng hilig saka hindi. Ano pa ba...
2: Aba, may iba ka palang kausap sa klase namin bukod kay Laine ha! Sino kaya yun...
1: Kaso parang ayokong sabihin sa kanya na gusto ko siya eh...
2: Bakit naman? Malay mo may gusto din siya sayo... magkasundo naman kamo kayo di ba?
1: Oo nga eh... kaso hindi siya madaling magtiwala sa mga lalaki.
2: Pano mo naman nasabi?
1: Kumbaga pag may nanligaw sa kanya, hindi niya agad sinasagot, saka direct to the point siya pag sinabi niyang ayaw niya dun sa guy. Eh baka di naman ganun yung nararamdaman niya... kaya isasarili ko na lang.
3: Parang kilala ko kung sino yan ha... kaw palagay mo sino yun?
2: ...
2: Titignan ko lang yung ibang books sa kabila.
1: Sama ko sayo... mukhang maganda yung nandun o...

1: Alam mo ba yung kanta ng Rocksteddy ngayon?
2: Yung Lagi na Lang...
1: Oo yun. Nakakarelate ako masyado dun sa song na yun...
2: Fave ko ngayon yung kantang yun! Lalo na yung adlib... natutuwa ako sa mga sinasabi niya...
1: Talaga?
2: Oo kaya! Sobra...
1: Kung sasabihan ka ng ganun, ano gagawin mo?
2: Di ko lam eh... pero magiging masaya ako kung sakali mang may magsabi nun.
1: Ah... ganun pala...
2: Kung ako sayo, sabihin mo na dun sa crush mo na gusto mo siya. Baka kasi magsisi ka sa huli eh...
1: Sanay na ko. Dati pa naman ganito na ko eh... Tinatago ko na lang yung feelings ko sa iba kasi ayokong masaktan.
2: Kaso naman, wala kang mapapala kung palagi kang ganyan. Bakit di mo subukan? Hindi mo rin naman masasabing ayaw din niya sayo o hindi eh...
1: Di muna siguro ngayon... Baka kasi mag-walk out pag ginawa ko eh...
2: ...
2: Tara na. Uwi na ko. Punta lang ako sa counter...

------

Ang torpe ni number 1. Ang manhid ni number 2.

------

Cut!



YYY
  • shattered -
    1:09 PM