<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/14507515?origin\x3dhttp://fullmomentum.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
Y .Monday, January 30, 2006.

Uh... bear with me. I'm really pissed off and I want to blab out all that I'm feeling right now. Yeah, I'm complaining alright.

*Tagalog mode [again!]*

Nakakamuro na sakin tong barkada na to. Alam ko hindi ako dapat mainis sa kanila dahil wala naman silang ginawa saking masama, pero pag involved na kaibigan ko, pati ako nasasabit.

Umaga. May debate kami sa Phi2 tungkol sa Freedom of the Will. Is man really free or determined? Being a determinist, I did my best to explain my side. The bad thing is, lahat tinitake nila literally. Parang di nila na-encounter yung word na analogy sa buong buhay nila. I know it's a part of the debate, but parang mas lumalabas pang tama sila kahit unreasonable naman yung questions nila. Strike one, pero di ko pinersonal. It's just a debate after all.

PE4 kami pagkatapos ng "mainit" na pagtatalo. I tried to cool off my mind from what happened through watching the volleyball games. Ayos naman sa unang game, masaya... may konting pang-aasar, pero hindi naman ganun kabrutal. Pagkatapos ng unang match, kami na naisalang. Kung ikukumpara sa unang game, mas malala yung takbo ng samin. At isa pa, naging katawa-tawa sa klase yung isa kong kaibigan dahil... ano nga ba yung sabi nila... yun, "O.A." maglaro. Pero hindi niya pinansin, palagay ko sanay na siya sa ganung kahihiyan.

Pano ako nabadtrip? Hindi lang dahil sa ginawang laughingstock yung kaibigan ko... pinagbintangan pa siyang hiniyawan niya daw yung isang kaklase ko ng "O.A."! Katabi ko siya kanina, at ni minsan hindi ko siya narinig na magbanggit ni bumulong ng salitang yun. Ni hindi ko nga napansin yung tinutukoy nilang tao na naglaro ng OA eh. May isang barkada sa tabi namin na maingay. Iniisip ko ngayon na baka sa kanila galing [take note: "baka"]. Saka kilala ko ang kaibigan ko. Hindi niya magagawang mamintas ng kapwa niya kung alam niyang may kapintasan din siya.

Hindi ko alam kung totoo yung sinabi ng kaklase ko na sinigawan ng kaibigan ko yung taong yun. Kung sakali man, magagalit din ako sa kanya. Hindi ako kumampi sa kaibigan ko dahil kaibigan ko siya. I sided with him because I know he didn't do that thing. Saksi ako, kasama ko siya buong PE class, wala akong narinig na pintas sa kanya tungkol sa taong yun. Sasabihin nilang masyado akong mabait? Nagsasabi lang ako ng totoo.

Yan ang strike two. Sumablay ako ng konti nung nagbanggit ako ng pangalan ng iba nang walang patunay, pero gusto ko lang linawin: "baka nanggaling lang yun sa barkada niya dahil sila yung maingay." Kung talagang nakarinig siya ng ganun, sila tanungin niya. Sila lang ang sumisigaw at malakas tumawa nung naglalaro sila. Please take not of the word "baka," I am still entitled to voice out my opinion.

Please naman bago kayo mamintang i-clarify niyo muna kung ginawa nga nung taong yun yung sinasabi niyo.
That will be all for now. *prepares self for round two for the next days*



YYY
  • shattered -
    3:26 PM